"Alam Ni Diane Ang Kaniyang Galing At Husay Pagdating Sa Matematika. Ang Kahusayan Niya Sa Pagkalkula Ay Namana Niya Sa Kaniyang Ama. At Ang Kaniyang

"Alam ni Diane ang kaniyang galing at husay pagdating sa Matematika. Ang kahusayan niya sa pagkalkula ay namana niya sa kaniyang ama. At ang kaniyang determinasyon at pagtitiyaga ay nakuha sa kaniyang ina. Apat na buwan bago ang kanilang pagtatapos sa Junior High (Baitang 10) ay mayroon na siyang ideya kung ano ang kaniyang pipiliing kurso. Suportado din siya ng kaniyang mga magulang lalo pa siya naman ay bukas pagdating sa komunikasyon sa mga nais niyang kuning propesyon. Kahanga-hanga si Diane dahil siya ay may matatag na loob na magpasya para sa kaniyang sarili. Anong pansariling salik ang naging tuntungan niya sa pagpili ng kurso?a. mithiin b. kasanayan c. pagpapahalagad. hilig "

Answer:

B. Kasanayan

Explanation:

Kasanayan dahil mulat sapol palang ay alam na niya ang kaniyang husay at galing sa Matematika na ito nga ay minana pa niya sa kaniyang mga magulang kung kayat alam na niya ang kanyang kukuning kurso dahil nagbase siya sa kanyang kasanayan. Mahalagang alam natin sa ating mga sarili kung ano ang ating mga kasanayan at kahinaan kung sakaling magdidisesyon ka sa iyong buhay lalo na kung ang pag uusapan ay para sa iyong kinabukasan, mahalagang sa bawat ginagawa mo ay doon ka bihasa o doon ka sanay para mas lalo pang lumawak ang iyong mga kaalaman. Ang ating mga magulang ay nakagabay lamang sa atin kung ano ang nais nating gawin.ikaw parin mismo sa sarili mo ang magkapagsasabi at makapag desisyon  kung ano talaga ang iyong nais.

Code 9.24.1.13

buksan para sa karagdagang kaalaman:

maging sapat ang kasanayan at kaalaman brainly.ph/question/1892924

talento,hilig at kasanayan brainly.ph/question/2096393

kahuliugan ng kasanayan brainly.ph/question/1658194


Comments

Popular posts from this blog

Ano Kaya Ang Epekto Ng Ikalawang Digmaan

Halimbawa Ng Alamat Ng Katana

If Singular We Add S Or Not