Halimbawa Ng Alamat Ng Katana

HALIMBAWA NG ALAMAT NG KATANA

Alamat ng Katana

Bago ang panahon ng mga metal na armas, ang ginagamit na pang protekta sa kanilang sarili at mga pananim ng isang malayong nayon ay espadang patpat. Si Kiru ang tinaguriang pinakamagaling na mandirigma at guro sa sining ng patpat. Nakapangasawa si Kiru ng isang magandang dilag na nagngangalang Katsume at nag bunga ang kanilang pagmamahalan ng kambal na sina Kat at Ana. Ang kanilang ama ay nanghinayang na puro babae ang kanyang mga anak at walang magmamana ng kanyang posisyon bilang pinakamagaling na mandirigma at guro sa nayon nila. Ngunit dahil sa kagustuhan ng kambal na ipagmalaki sila ng kanilang ama ay nagsanay sila ng palihim.

Ang nayon ng Midea ay katabi ng isang baryo sa tabing dagat. Isang kabilugan ng buwan ay tumakas ang kambal mula sa kanilang bahay at natutulog nilang mga magulang upang magsanay gamit ang patpat. Sa kalagitnaan ng gabi ay may dumakong barko sa baryo malapit sa Midea na may dalng mga metal at sakay na mga pirata. Sinunog nila ang mga kabahayan at nakita ng kambal ang ilaw mula sa apoy, ng makabalik sila ay nadatnan ng kambal ang nasusunog nilang bahay. Sa kanilang galit ay sinugod nila ang barko at nakitang walang tao rito kaya naisipan nilang ito na ang kanilang pagkakataon na gumanti habang wala pa ang mga pirata. Ninakaw at tinago nila ang mga metal na nasa barko at sinunog nila ang barko bilang ganti sa kanilang bahay at mga magulang. Bago paman sila maka takas ay naabutan sila ng mga pirata at hinabol sila patungo sa lugar kung saan nakatago ang mga metal. Naiwan nila ang mga patpat sa nasusunog na barko kung kaya't naisipan nilang gamitin ang mga mahahabang metal na ninakaw nila mula sa mga pirata at ginamit na pandepensa sa kanilang mga sarili. Natalo nila ang mga pirata ngunit may ilang mga nakatakas.

Nailigtas nila ang Midea at ang bayan at hinirang silang mga bayani. Ipinangalan sa kanila ang mahahabang metal na ginamit bilang armas, at ipinampalit ito sa kanilang mga patpat. Kalaunan, ang Katana ay pinatulis upang mas medaling makasakit ng mga kalaban at binalot din ang dulo nito upang gawing hawakan.

Mula noon, ang Katana na ang kanilang ginamit bilang pandepensa.


Comments

Popular posts from this blog

Ano Kaya Ang Epekto Ng Ikalawang Digmaan

If Singular We Add S Or Not