Kabanata 18 Ng Noli Me Tangere
Kabanata 18 ng Noli Me Tangere
Narito ang ilang mahalagang impormasyon tungkol sa Kabanata 18 ng nobelang Noli Me Tangere na pinamagatang "Mga Kaluluwang Naghihirap".
Napansin ng mga manang na matamlay si Padre Salvi sa misa nito. Napunta rin ang usapan nila ang pagkakaroon ng indulhensiya plenarya na kailangan umano ng mga nasa purgatoryo upang mahango roon. Sa pag-uusap nila, hindi nila napansin ang pagdating ni Sisa. May dala bakol na may lamang mga gulay. Dumiretso siya sa kusina ng kumbento. Binati ang mga sakristan at inayos ang mga gulay sa hapag. Gusto niyang makausap ang pari upang makita si Crispin. Napag-alaman niya ang bintang sa bata anupat gulong gulo ang isip niya.
Comments
Post a Comment