Anong Klaseng Panauhin Mayroon Ang Tahanan Ni Kapitan Tiago?
Anong klaseng panauhin mayroon ang tahanan ni Kapitan Tiago?
Noli Me Tangere
Kabanata 1: Isang Handaan
Ang lahat ng mga panauhin sa handaan na inihanda ni Don Santiago ay may mataas na posisyon sa pamahalaan at sa simbahan. Katunayan, ang mga panauhin ng gabing iyon ang pinangungunahan ni Crisostomo Ibarra na siyang dahilan ng handaan, Padre Damaso na siyang kura ng bayan ng San Diego at Padre Sibyla, naroon din ang kapitan heneral, ang mag asawang alperes, ang mag asawang de Espadana, at ilan pang mga kilalang negosyante na tulad ni kapitan Tiyago. Lahat sila ay may magagarang kasuotan na ipinareho sa mga palamuti at gayak ng tahanan. Subalit sa kabila ng magagarang gayak at kasuotan ay may mga pag uugali na sadyang hindi nababagay sa ganitong mga pagtitipon.
Kapuna puna ang pag uugali na ipinakita ni Padre Damaso. Dinaig pa niya ang may bahay sa pananalita sapagkat naging masyado itong madaldal at mahayap sa pagbibitiw ng mga salita. Ang lahat ng mga matalim na pananalita ay patungkol sa bagong dating na si Ibarra. Bukod kay Crisostomo ay hindi rin nakaligtas sa panlilibak ng kura ang mga indiyo. Bagay na ikinainis ng kapitan heneral kaya naman hindi naiwasan na mapag usapan ang dahilan kung bakit siya ay inalis sa pagiging kura ng bayan ng San Diego.
Read more on
Comments
Post a Comment