Mga Halimbawa Ng Mga Pahayag Na Nagbibigay Patunay

Mga halimbawa ng mga pahayag na nagbibigay patunay

Answer:

Explanation:Isang mahalagang elemento ng pagsusulat ay ang mga pahayag na nagbibigay ng patunay. Upang lubusan itong maunawaan, ito ay ang mga pahayag na nagbibigay ng datos o nagsasaad ng ebidensya o mga detalyadong paliwanag upang mabigyang linaw at suportahan ang isang pahayag tungkol sa isang bagay o sa isang pangyayari. 

Elemento ng Isang Pahayag ng Patunay

Ang isang pahayag ay maayos na naisusulat kapag buo ang diwa nito at naiintindihan ng nagbabasa o tagapakinig.

Upang mas maging mabigat ang importansya nito, nakakatulong ang pagdaragdag ng mga pahayag na may kaangkop na ebidensya sa iyong sinasabi.

Mas kapani-paniwala ang isang pahayag kapag may isang matibay na ebidensyang sumusuporta rito. 

Si Almira ay isang Matalinong Mag-aaral

Halimbawa, sa pahayag na "Si Almira ay isang matalinong mag-aaral". maaaring tanggapin ng mambabasa ang inilahad ng pahayag na si Almira ay maaaring isang matalinong mag-aaral nga, ngunit wala itong mga pahayag na nagpapatunay na si Almira ay tunay na matalinong mag-aaral. Ang pahayag ay tama ngunit hindi mabigat ang kanyang epekto sapagkat walang ebidensya na nagpapatunay sa pahayag na si Almira ay matalinong mag-aaral. 

Subalit kapag dinagdagan ang pahayag ng mga kaukulang ebidensya ay mas magiging matibay ito.

Halimbawa: Si Almira ay isang matalinong mag-aaral dahil siya ang nakakuha ng pinakamataas na marka sa kanilang pagsusulit.

Kung ihahambing sa naunang pahayag ay hindi ito lubos na matibay, ngunit sa ikalawang pahayag kung saan nakasaad ang isang rason kung bakit naikokonsiderang matalino si Almira ay mas mabigat ang suporta sa naging pahayag. Mas kapani-paniwala at may konkretong detalye na naglalahad ng suporta sa naunang pahayag.

Iba pang halimbawa ng pahayag na may patunay:

Ang mga nurses sa Pilipinas ay global na yamang sila ay nasa lahat ng panig ng pitong kontinente ng mundo.

Ang China ang may pinakamalaking populasyon sa buong daigiig ayon sa United Nations Demographic Survey Result.

Ang LGBT Community ay nagpupugay dahil sa pagkilala sa kanila ng buong daigdig bilang may karapatan ayon sa bagong International Human Rights ng United Nations.


Comments

Popular posts from this blog

Ano Kaya Ang Epekto Ng Ikalawang Digmaan

If Singular We Add S Or Not

Ano Ang Mga Halimbawa Ng Balitang Klasipikadong Anunsyo?