Buod Ng Kabanata 19 Ang Mitsa

Buod ng kabanata 19 ang mitsa

El Filibusterismo

Kabanata 19: Ang Mitsa

Buod:

Ang kabanatang ito ay nagsimula sa pagpapakita ng sama ng loob ni Placido. Nawalan ng gana na mag aral si Placido matapos na hindi siya makilala ng guro sa kabila ng ilang taon niyang pamamalagi sa unibersidad at sa pagkakaroon ng matataas na grado. ang pangyayari ay ang pagbabalik loob ni Placido sa pag aaral. Ito ay matapos na siya ay dalawin ng ina sa dormitoryong tinutuluyan nito. Gayun pa man may mga pangyayari sa kabanatang ito na nagbigay kahulugan sa pamagat nito na ang mitsa. Sa kabanatang ito kasi ay nagkita si Simoun at Placido. Kay Simoun nakahanap ng isang kaibigan si Placido habang ang isip niya gulo ukol sa pag aaral.

Ang pagpapakita ni Simoun kay Placido ng pagawaan ng pulbura ay may pakahulugan. Sapagkat nais din gisingin ni Simoun ang damdaming mapaghiganti ni Placido upang ito ay tuluyan ng sumapi sa samahan ng mga mag aaral na nakikibaka para sa pagpapatayo ng akademya. Anuman ang dahilan niya sa pagsama kay Placido sa lugar na iyon ay tanging siya lamang ang tunay na nakakaalam. Nagmistulang maamong tupa si Placido ng makausap ang ina. Tila natauhan siya na ang pag aaral ay sadyang para sa kanya kaya naman nangako itong magtatapos sa ina.

Read more on

brainly.ph/question/2117777

brainly.ph/question/1353838

brainly.ph/question/2138280


Comments

Popular posts from this blog

Ano Kaya Ang Epekto Ng Ikalawang Digmaan

Halimbawa Ng Alamat Ng Katana

If Singular We Add S Or Not